From RFO2 Correspondent: Mr. Bernardo M. Malazzab Jr.
Bambang, Nueva Viscaya — Inilunsad ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) and pagsasagawa ng watershed development and management ng labindalawang Small Water Impounding Projects (SWIP) sa buong rehiyon.
Sa launching ng nasabing aktibidad sa San Antonio South, Bambang, Nueva Vizcaya, samasamang nagtanim ang mga mamamayan doon ng kalamansi, gulay, pinya, bettle nut at iba pang pananim upang maiwasan ang soil erosion at magkaroon ng dagdag kita.
“Kami po sa Bambang ay nagpapasalamat sa DA sa proyekto na inyong ipinagkakaloob ngayong araw,” ani Acting Mayor Andres Wenceslao Hernandez.
“Huwag po kayo mag-alala dahil amin pong babantayan ang tulong na ito,” aniya.
Maliban sa mga planting materials at inputs, nagbigay din ang ahensiya ng mga garden tools sa Small Water Impounding System Association (SWISA) ng San Antonio South.
Ilan sa mga sumama sa pagtatanim ay ang religious sector, barangay captains, estudyante, magsasaka at miyembro ng SWISA.
Ipinahayag naman ni Regional Technical Director Robert B, Olinares na ang proyektong ito ay magtatagumpay lamang kung magkaroon ng magandang ugnayan ang mga mamamayan.
“Dapat magkaroon kayo ng 5-year development plan para tuluy-tuloy na ang programa lalo na sa implementasyon ng watershed management,” aniya.
Ayon sa pag-aaral, isa sa mga pangunahing problema sa operation ng SWIP ay ang kawalan ng magandang watershed at siltation.
Umaasa si Olinares na madagdagan pa ang mga lugar na makakapag-avail sa programang ito na mayroong budget na isang milyong piso kada site para lalawak at mas marami pang mabibiyayaan nito sa susunod na mga taon.
# WatershedDevelopmentAndManagem entCagayanValley
###